Luis' posts with tag: fengshen
|  | Happy Land in Tondo in the wake of the typhoon:
Tuwing uulan o babagyo. Lulusong ka sa bawat katas ng kung ano.Dumi at ihi ng mga naglalanguyang mga dambuhalang daga. Sa bawat madilim na sulok mga nakatirik na mata at tulo-laway na ngiti ng mga sumisinghot ng nakakapanuyong utak na solvent o rugby. Pantawid sa araw-araw na pakikisalamuha sa buhay at panlunod sa natitirang sigaw ng puso at kaluluwa |
|